Abangan ang balita habang nagaganap ito, dito lang sa FLASH REPORT.
Nagkagulo ang mga tao sa loob ng SM Megamall matapos ang nangyaring pamamaril sa loob ng department store.
Sa panayam ng DZMM, kinumpirma ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na isang robbery ang naganap sa jewelry store na nasa ground floor ng Building B ng mall pasado alas-7:00 ng gabi ngayong Sabado.
Sinabi pa ng alkalde na under control na ang sitwasyon at wala pang napaulat na nasaktan. Wala rin aniyang naganap na panghohostage.
Sinabi naman ni Mandaluyong police Senior Superintendent Florendo Quibuyen na wala pang nahuhuli sa limang suspek at patuloy pa rin ang kanilang follow-up operation.
Kinumpirma rin nitong may mga natangay na alahas ang mga suspek ngunit hindi pa mabatid ang bilang o halaga dahil wala pa silang nakakausap mula sa management ng mall.
Sa panayam naman ng DZMM sa ilang testigo na nagkataong nasa loob ng mall nang maganap ang pamamaril, nagulat na lang aniya sila ng makarinig sila ng magkasunod na putok ng baril at tunog ng nabasag na salamin.
Hinihinalang miyembro ng tinatawag na "Martilyo Gang" ang mga nagnakaw sa mall dahil sa modus nito na pagbabasag ng salamin ng eskaparate para nakawin ang mga laman nito.
Sinabi naman ni Eastern Police District Director Chief Superintendent Miguel Laurel na nakakuha na sila ng isang malinaw na kuha ng closed circuit television (CCTV) camera kung saan kita ang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek.
Sugatan aniya ang isa sa mga suspek dahil sa mga dugo sa nabasag na salamin ng eskaparate, patunay na sumabit pa ang kamay nito habang kinukuha ang mga alahas.
Agad isinara ang lahat ng entrance sa Megamall habang isa-isa namang kinapkapan ang mga pinalalabas dahil sa posibilidad na nakihalubilo na ang mga suspek sa mga tao.
Sa pinakahuling ulat, balik operasyon na ang mall matapos ang insidente. by: DZMM

No comments:
Post a Comment