Wednesday, December 19, 2012

Bus segregation scheme, ipinatupad na ng MMDA



Hindi na maaaring magbaba at magsakay ng pasahero sa lahat ng bus stop ang lahat ng pampasaherong bus na dumadaan ng EDSA ngayong ipinatupad na ang segregation scheme ng Metro Manila Development Authority (MMDA).


Sa ilalim ng programa, nilagyan ng sticker na A ang mga bus na biyaheng Alabang at B naman ang mga biyaheng Baclaran na kapwa pili lamang ang titigilang bus stop.

Para sa mga bus A na nasa southbound, maaari lang magbaba at magsakay ng pasahero sa Ermin Garcia, Arayat Cubao, VV Soliven, Connecticut, Shaw Starmall, Guadalupe, Buendia Avenue at Mantrade.

Ang mga bus B naman ay maaari lamang tumigil sa Kamuning, Monte Piedad, Main Ave., POEA Ortigas, Pioneer/Boni, Estrella, Ayala Ave. at Taft Ave.

Kung binabagtas naman ang northbound, maaari lamang ang mga bus A sa bus stop sa Magallanes, Buendia Ave., Guadalupe, Shaw Boulevard., SM Megamall, Boni Serrano, Cubao Farmers at Ermin Garcia.

Para sa mga bus B, maaari lang magbaba at magsakay sa Taft Ave., Ayala Ave., Estrella, Pioneer/Boni, SM Megamall, Ortigas Ave., Main Ave. at Baliwag/Five Star.

Ayon sa MMDA, may mga masasakyan namang bus C ang publiko na maaaring magsakay at magbaba sa lahat ng bus stop.

Pero aminado naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na may ilan pang bus na wala pang sticker dahil nabigong magsumite ng kumpletong dokumento.

Tantsa ng MMDA, bababa ng 40-porsyento ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA dahil sa bagong scheme.

Nabanggit naman ni Tolentino na may P1,000 multa ang mga hindi susunod sa bus segregation scheme.

Marami na rin anya silang nahuli ngayong umaga.

No comments:

Post a Comment

Pages

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
If YOU are INTERESTED YOU may contact: MALVIN DOBLAN CP# 0920 234 2962 or add my FB: https://www.facebook.com/malvin18

Popular Posts All the time

Popular Posts Last 30 Days

Popular Posts Last 7 Days

var adfly_protocol = 'https';