Tuesday, January 29, 2013

Globe, nagbabala sa panibagong text scam



Pinapayuhan ng Globe Telecom ang mga postpaid subscriber nito kaugnay ng panibagong modus ng panloloko sa pamamagitan ng mga text messages.

Ayon sa Globe, may mga text message ngayon na kumakalat kung saan ibinabalitang nanalo umano ang isang subscriber ng diskwento sa kanilang buwanang bill at kailangan lang i-text ang isang numero.

Narito ang isang halimbawa ng kumakalat na text message:

GLOBE Postpaid: Congrats! You're the one selected postpaid plan given P150 discount billing, to get your P150 discount billing just text 150 send to 2916XXXXXXX.

Babala ng Globe, sa pamamagitan ng paglalagay ng number "2" sa unahan ng 10 digit cell phone, hindi alam ng subscriber na gumagawa na ito ng Share-A-Load transaction kung saan ipinapasa nito ang 150 load papunta sa naturang numero.

Sinabi pa ng Globe na dapat pagdudahan agad ang mga naturang mensahe lalo't hindi naman ito nanggaling sa opisyal na four-digit Globe number.

Makabubuti anilang huwag na lang pansinin ang mga ganitong uri ng mensahe o kaya naman'y agad iulat sa mga awtorisadong Globe customer channel katulad na lang sa Twitter (@Talk2Globe) o via SMS (text HELP send to 1234).

No comments:

Post a Comment

Pages

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
If YOU are INTERESTED YOU may contact: MALVIN DOBLAN CP# 0920 234 2962 or add my FB: https://www.facebook.com/malvin18

Popular Posts All the time

Popular Posts Last 30 Days

Popular Posts Last 7 Days

var adfly_protocol = 'https';