May paalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga magulang sa pagpili ng school service ngayong mag-uumpisa na ang pasukan.
Ayon sa LTFRB, dapat maging maingat ang mga magulang sa pagpili ng school bus.
Sinabi ni LTFRB-National Capital Region (NCR) Director Benito Dy-Cezar na pinakaimportante sa lahat ay siguruhin ng mga magulang at maging ng mga eskwelahan, na may prangkisa ang mga school service.
"Dapat may prangkisa otherwise magiging colorum yan so di natin mamomonitor ang safety," ani Dy-Cezar.
Payo naman ng isang grupo ng school service operators, magtanong sa mga eskwelahan para sa listahan ng mga accredited school transport operator.
Mainam ding magtanong-tanong muna sa ibang magulang ukol sa serbisyo ng isang school bus bago direktang makipag-usap sa operator.
Sabi ni Nora Tolentino, pangulo ng Claret School Service Operators Association, "Dapat na iwasan ng parent to contract service from illegal school service. Ang mangyayari diyan without the knowledge of the school, walang pakialam ang school in case some untoward incident happened to the child."
Narito ang mga dapat tandaan sa pagpili ng tamang school service:
- kailangan well-maintained ang mga sasakyan
- dapat may pinturang dilaw na may zebra stripes o guhit na itim
- may tamang markings ang sasakyan ng pangalan at contact number ng operator
- may grills ang mga bintana
- may baong first aid kit, fire extinguisher at early warning device
- dapat may bus aide o konduktor
Anumang paglabag sa mga kondisyong ito ay may minimum na multa na P3,000 hanggang sa kanselasyon ng prangkisa.
Sakali namang mapatunayang kolorum ang school service, ii-impound ito at may arawang multa na P250. Report from ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment