Nakunan ng video ang sinasabing pambabato at paninigaw ng Hong Kong crowd sa Philippine Azkals matapos ang ginanap na friendly match noong Martes.
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinalo ng Pilipinas ang Hong Kong, 1-0, bunsod ng nag-iisang goal ni James Younghusband at mahigpit na pagbabantay ng goal keeper na si Neil Etheridge.
Sa video na ibinahagi sa ABS-CBN News, kitang binato ng Hong Kong crowd ang mga Azkals player ng bote ng mineral water at kung anu-ano pang basura habang humihiyaw.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Hong Kong Football Association ang insidente.
No comments:
Post a Comment